After our lunch, bumalik na ako agad sa kwarto ko. Gagala na raw agad ang mga co-models ko. Pero nagpaalam ako sa kanila na mamayang gabi na lang ako sasama. Nagdahilan na lang ako na pagod pa ako at inaantok, kaya magbabawi muna ako ng tulog. Si Jeanlie at kay Miss Ria lang naman ako nagpaalam. ‘Di ako nakikipag-close sa iba kong co-models. Sa tingin ko rin naman ay ‘di nila ako gustong maka-close. Ayoko rin naman na maraming tao sa paligid ko. Mas okay na ‘yong kaunti lang, pero alam ko na totoo sa akin. Natulog lang ako buong hapon. Nang magising ako ay tumatawag sa akin si Mom. Sinagot ko naman ‘yon agad. “Mommy!” Agad akong napangiti nang bumungad ang mukha ni Rico sa screen ng phone ko. Tapos ang hyper pa niya ngayon. Wala pang isang oras na ‘di ko siya nakakasama, pero miss ko

