Nagulat naman ako nang marinig ko na magsalita si Enrique. Napakunot pa ang noo ko dahil sa sinabi niya na 'yon. "Manyak ka ba? Bakit mo naman ako papanoorin na naliligo rito sa dagat ngayon?" tanong ko pa sa kaniya. "May mga lalaking papalapit ngayon dito. Narinig ko kasi ang usapan nila na nakakita sila ng babae na naliligo rito mag-isa. Madilim na rin at delikado. Inunahan ko na sila maglakad para malaman nila may kasama ka ngayon. Magkunwari ka na lang na magkasama tayo," mahinang sagot naman niya sa akin. Nakita ko naman ang tatlong lalaki na tinutukoy niya. Papalapit na nga ngayon sa pwesto namin. Mukha na rin silang lasing dahil gumegewang na ang kanilang mga lakad. "Why would I do that? I can handle myself. Kaya 'di mo na ako kailangan pang tulungan," sagot ko na lang sa kaniy

