May ideya na ako sa utak ko ng tungkol sa mga sinasabi sa akin ng manager nila, pero hindi ko lang kayang tanggapin kung sakali man na 'yon ang trabaho ni Enrique sa bar na 'to. Hindi ko makakaya na tanggapin 'yon kahit ano pa ang mangyari. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na malaman ko na mali pala ang inaakala ko na trabaho niya rito. Ayos lang sa akin na isa siyang waiter, bartender, janitor, o bouncer sa bar na 'to. 'Wag lang ang trabaho na 'yon. "Okay. Let's say that I want to hire him. Pero gusto ko na bukod ang bayad ko na ibibigay sa kaniya at ang isang milyon na idadagdag mo sa sahod niya monthly. Ayos ba 'yon? I will hire him for a month. Sapat na ba ang bayad ko na 'yon?" sagot ko naman sa kaniya. 'Yon na lang ang bigla kong naisip ngayon na isagot. Napapal

