ENTICE ME 53

1414 Words

Handa na ba ako? Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na ba ‘yon itinanong sa sarili ko ngayon. Narito ako sa labas ng bar, kung saan nagtatrabaho si Enrique. Tanda ko pa rin ang lugar na ‘to. Sa tingin ko naman ay dito pa rin siya nagtatrabaho at hindi pa rin siya lumilipat. Ibang sasakyan ang gamit ko. Kay Mommy ‘to, hiniram ko lang. Hindi kilala ni Enrique ang sasakyan na ‘to, kaya ito ang ginamit ko. Nang sa gano’n kung sakali man na makita niyang nakaparada sa ‘di kalayuan ng bar, ‘di niya maiisip na ako ang nasa loob ng sasakyan na ‘to. Pero bago naman ako pumunta rito ay siniguro ko muna na wala siya sa bar na ‘to. Nagte-training siya ngayon ng basketball dahil may papalapit na ulit silang laban. Ngayon naman ay sa international na rin ang laban nila, katulad ng sa pageant ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD