Hindi ko alam kung dapat ko bang aminin kay Enrique na may ideya na ako tungkol sa pagkakaroon niya ng financial problem, bago pa niya maamin sa akin. Kaso baka ma-offend siya kapag inamin ko na tiningnan ko ang school records niya sa Cashland University. Tapos baka magalit pa siya kay Lance kapag nalaman niya na sa kaniya ko nalaman ang tungkol doon. Ngunit ngayon ay masaya naman na ako dahil sa wakas ay may alam na ako ngayon tungkol sa personal na buhay nj Enrique. Nalaman ko na ang lahat ng mga natirang pera ng kaniyang ina ay napunta na lang sa hospital bills niya sa Canada. Sa ngayong daw ay lumalaban pa rin ang kaniyang ina. Ngunit hindi na niya alam kung saan siya kukuha ng pera. Sinubukan ko lang na sabihan si Enrique na handa akong tumulong sa kaniya kapag kailangan niya. Nguni

