Nagpunta na ako sa isang arcade kung saan ‘yon ang sinabi ni Enrique na lugar na pagkikitaan namin ngayon. Ang sabi niya ay ito raw ang magiging first date namin na manliligaw ko na talaga siya. Nakasuot lang ako ngayon ng isang simpleng Sunday dress na kulay puti. Tapos naka-boots na black. Sinimplehan ko lang ang itsura ko, dahil ayokong mag-standout sa public place. Pero mukhang mas napansin pa ako ng mga tao ngayon. Nakatayo lang kasi ako sa labas ng arcade habang hinihintay si Enrique. Maya-maya ay dumating na siya na tila nanakbo pa. Isang normal na shirt lang ang suot niya na itim tapos puting short. Wow, matchy-matchy ba kami ngayon ng outfits? Kahit simple lang ang suot niya ay napakalakas ng dating niya para sa akin. “I’m sorry for being late. Naghintay ka ba ng matagal?” tan

