Aalis na sana ako para iwan siya roon, pero hinawakan pa niya ang kamay ko. Agad ko naman na hinila ang kamay ko. "Don't touch me, will you?" "Ayoko lang naman na mas masaktan ka pa kapag nagtagal. Ngayon pa lang ay gusto ko nang ipaalam sa 'yo ang matagal nang itinatago ni Enrique--" "Ano ba, Lance?! Bumalik ka ba rito para lang guluhin kami? Hindi ko alam kung bakit kinailangan mo pang bumalik dito ngayon. Dapat nag-stay ka na lang nang tuluyan sa ibang bansa. Akala ko pa naman ay bumait ka na. Hanggang ngayon pa rin pala ay hilig mong makisawsaw sa buhay naming dalawa ni Enrique," inis ko na sambit sa kaniya. Hinilot naman ni Lance ang kaniyang sentido dahil sa sinabi ko sa kaniya. "I am just concerned. And for your information, hindi ako bumalik dito dahil gusto kong makisawsaw sa

