DAY 10 OUT OF 30 “Have you heard about your boss yet?” tanong ko kay Enrique. Limang araw na kasi ang nakalipas nang maipakita ko sa kaniya ang text ng kaniyang boss. Pinaalam ko sa kaniya na nabasa ko. Nang sa gano’n ay wala siyang maitatago sa akin. Ang sabi naman ni Enrique sa akin ay pinuntahan na niya ang kaniyang boss sa bar noong isang araw. Nag-submit na siya ng resignation at kailangan na lang daw na pirmahan ‘yon ng kaniyang amo. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol doon. “Not yet, Mahal. Huwag mo na lang munang isipin pa ang tungkol doon. Ang mahalaga naman ay nakapagbigay na ako ng resignation letter. ‘Di na rin naman siya makakapalag pa dahil karapatan ko na tumigil sa trabaho,” sagot naman niya sa akin. “Hanggang ngayon kasi ay ‘di ko pa rin makalimutan

