DAY 5 OUT OF 30 Limang araw na noong muling nakauwi si Enrique rito sa Pinas. Sa limang araw na ‘yon ay palagi kaming magkasama. Nagpaalam din ako kina Mom at Dad na sa bahay muna ako ni Enrique titira ng isang buwan. Dahil gusto ko na talagang sulitin ang ilang linggo pa na makakasama ko si Enrique. Ang sabi niya sa akin ay six months ang training niya sa Los Angeles. Ibig sabihin ay sa loob ng anim na buwan na ‘yon ay ‘di kami magkakasama. Sobrang layo rin kasi ng Los Angeles dito sa Pinas. Siguro kung hindi ako busy o ‘di kaya ay ‘di siya busy ay magagawa naming magpabalik-balik ng bansa. Sa susunod na linggo raw ay kakausapin na niya ang kaniyang amo na titigil na siya sa trabaho niya sa bar. Mas makakahinga na ako ng ayos kapag gano’n. Sa ngayon daw kasi ay ‘di pa niya makausap da

