Pagod na pagod ako ngayong araw. Ika-tatlong araw na namin ngayon sa training. Pati ang balakang ko ay sumasakit na. Naglalakad kami habang may baton sa likuran namin. Tapos ang mga kamay namin ay umaalalay sa baton upang ‘di malaglag. Nang sa gano’n nasasanay kaming maglakad sa gano’ng klase ng postura. Pero kahit sobra ang pagod ay masarap sa pakiramdam. Dahil pakiramdam ko ay mas lalo na akong humuhusay ngayon, kahit nagsisimula pa lang naman talaga ako. Pinagpahinga muna kami ng thirty minutes ngayon. Six hours straight din kami na walang pahinga kanina pa. Ang daming pinagawa sa amin. Tapos kailangan din naming i-maintain ang body figures naming lahat. Kaya naman ay sobrang nakakapagod. Uminom ako ng tubig at sakto naman na may tumawag sa phone ko. Agad akong nasiyahan nang makita

