It’s the first week of our training. Una pa lang ay talagang makikita na kung gaano ka-istrikto ang handler namin. Nakasuot kami ng shorts na cycling tapos sleeveless top. Pinapakita namin sa kaniya ngayon ang buong kutis namin. Kapag may ‘di maayos ay aalisin niya at saka na lang bumalik kapag pwede na. Lahat kami rito ay mapuputi. Pero sa ibang teams naman ay may mga morena at black beauty. This is why I love this company din. They are not discriminating their models. Ang tinitingnan lang sa amin ngayon ay kung may scars ba sa katawan at kung may tattoo. Dahil ‘yon ang mga dapat na patakpan. ‘Di raw kasi maganda sa paningin kapag ang models ay may gano’n sa katawan. Nang ma-clear na ang sa akin ay tiningnan naman ang sa iba. Lahat kami ay maayos naman. Pati ang mga lalaki ay walang tat

