Hindi na ako sumagot pa at agad nang umalis mula roon. Ayoko rin na makita pa ako ni Enrique. Hindi ako makapaniwala sa ugali na ‘yon ni Lance! Something’s fishy na sa kaniya noong unang araw pa lang niya rito sa C.U. Na kahit pinakiusapan ko na siya ay hindi pa rin niya sinunod ang sinabi ko. Gusto lang daw niya ako na asarin, tapos gusto pa na makipagkaibigan sa akin? Ang mas hindi ko inaasahan ngayon ay ang mga nasabi niya sa akin. Damn that stupid fúcker! Kinalma ko na lang ang sarili ko at sumakay na sa aking sasakyan para umuwi. Pag-iisipan ko pa kung sasabihin ko pa rin ba kay Enrique ang mga nasabi na ‘yon ni Lance o hindi. Kahit papaano ay ayoko naman na mapahiya siya sa ibang tao. Lalo na at malaking issue kapag kumalat na ‘di na siya mayaman ngayon. Sa mundo naming mga mayay

