Nagulat naman ako nang marinig ang sinabi niya na 'yon. Hindi agad ako nakapagsalita. Umupo naman ako sa kama ko para maayos akong makipag-usap kay Enrique ngayon. Mukhang nakaalis na muli siya. "What do you mean?" tanong ko naman sa kaniya. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan niya. Nang sa gano'n ay malaman ko rin kung dapat ko bang sabihin sa kaniya kung ano-ano ang mga pinagsasabi ni Lance sa akin tungkol sa kaniya. "Baka lang hindi ka maging komportable kapag malapit siya sa 'yo, dahil sa mga pinagsasabi niya. May pakiramdam kasi ako na may nahahalata na si Lance tungkol sa tunay na buhay ko ngayon. Ayoko lang na mapahiya ako sa harap mo kapag gano'n ang mga sinasabi niya." Napabuntong-hininga naman ako dahil sa kaniyang sinabi. "Ano ka ba? Ayos lang naman sa akin kung marinig

