“Where shall we start?” tanong ko kay Enrique. Narito kami ngayon sa medyo hindi matao na parte ng beach. Para wala masiyadong makakita o makakilala sa amin. Para ma-entertain namin si Rico ngayon dito ay nakaisip ng laro si Enrique. Paunahan kami na makakagawa ng mahabang linya gamit ang buhangin. Magkakampi sila ni Rico. Buhat ni Enrique ngayon ang aming anak sa kaniyang balikat. Nakaalalay siya sa kamay ni Rico. Nakahanda na rin ako sa pwesto ko ngayon. Tuwang-tuwa si Rico dahil mas matangkad na raw siya sa amin. Kahit na ‘di pa naman niya masiyadong naiintindihan ang klase ng laro namin ngayon ng kaniyang ama. “Here and until there, sa tsinelas ko.” Itinuro naman niya kung hanggang saan kami titigil. Kailangan ay mauna kami roon. “Okay, one… two… three!” sigaw ko. ‘Yon na ang n

