[VIVIANNA APPLE CASH'S P.O.V.] Tila ba napako ako ngayon sa kinatatayuan ko. Inosente lang na nakatingin sa amin ngayon si Rico at nasa gitna namin siya. Medyo humigpit pa nga ang pagkakahawak ko sa kamay ni Rico ngayon. Dahil nagulat ako sa itinanong sa akin ni Enrique. Hindi ko naman akalain na makakatunog siya ng tungkol kay Rico. Dahil ba sa mga sinabi ko sa kaniya kagabi, kaya naisip niya ngayon na tanungin si Rico sa kung ano ang buong pangalan niya? Hindi ko na rin napigilan si Rico na huwag sabihin sa kaniya kanina. Kaya mas lalo tuloy na nahalata ni Enrique dahil sa biglaan kong naging reaksyon. "Come on, Enrique. That would be impossible," pagsisinungaling ko pa sa kaniya. "Rico, let's go na sa loob ng kwarto." Papasok na sana kami sa loob pero pinigilan pa ako ni Enrique. "T

