[ENRIQUE MORALES' P.O.V.] Sobrang sakit ng ulo ko kinabukasan nang magising ako. Nagtaka pa ako dahil hindi ako pamilyar sa kwarto ko ngayon. Tapos saka ko lang naalala na nasa hotel nga pala kami ngayon sa Palawan. Napansin ko na hindi ito ang kwarto ni Vivianna. Ibig sabihin ay hindi ako nakatulog sa kwarto niya. But fuck... naalala ko ang usapan namin kagabi! Matapos niyang sabihin sa akin na ako ang bahala na alamin kung may pag-asa ba kaming dalawa o wala, bumalik na ako sa kwarto ko no'n. Dumeretso ako sa paghiga sa kama at paggising ko ay may araw na. Napatingin ako sa oras at maga-alas dose na pala ng tanghali. Halos twelve hours din ang naging tulog ko. Tanda ko na alas-dose ako ng gabi bumalik dito sa kwarto ko. Tumayo na ako sa pagkakahiga. "Dude! Enrique! Are you dead in

