WARNING! THIS CHAPTER CONTAINS MATURED CONTENT! *** Agad akong napalayo sa kaniya nang halikan ko siya. s**t, Vivianna Apple! Ano na ba ang nasa isip ko ngayon? Bakit ko ginawa ‘yon sa kaniya? Mukhang nagulat din si Enrique sa ginawa ko. Napatulala siya sa akin bigla. Agad naman akong umiwas ng tingin sa kaniya. Nakakahiya! Ano na lang kaya ang iisipin niya sa akin ngayon? Nasa isip pa naman niya na may boyfriend at anak na ako. Tapos ito ako, hinalikan siya bigla. Parang ako pa tuloy ang nagkaroon ng masamang balak sa kaniya. Bwisit na alak ‘to! Talagang isusumpa ko na ang alak. Dapat ay ‘di na ‘yan ipinapatupad pa sa bansa. What a stupid reason, Apple. “U-Uhm… I’m sorry for that—” Pinutol na agad ni Enrique ang sasabihin ko sana. “No need to say sorry. Ginusto ko naman ang ginawa m

