Ilang araw na akong hindi lumabas sa kwarto ko. ‘Di na nga ako nakakapasok at nagsabi na lang ako sa mga professors ko na masama ang pakiramdam ko at nagpapahinga lang. Nagsabi na rin ako sa mga kaibigan ko ng gano’n, pero pinagbawalan ko sila na bisitahin ako. Pumayag naman sila sa gusto ko. Si Vaughn ay ‘di rin pumapasok sa kwarto ko. Sinabihan ko siya na gusto ko lang muna na mapag-isa. Nang masaksihan niya ang nangyaring pagsagot ko kay Enrique noong nakaraan, nakahalata na siya na magkaaway kaming dalawa. Kaya naman ay ‘di na nakialam pa si Vaughn sa amin. Ang phone ko naman ay nakapatay. Ayokong buksan. Hindi pa rin ako handa na kausapin si Enrique. Hanggang ngayon ay ‘di ko pa rin matanggap ang mga narinig at nakita ko noong nasa hotel kami. ‘Di ko alam kung ano na ba ang plano ko

