Bigla akong nanggigil ng sobra. ‘Di ko na alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ‘to. Mabuti na lang at tumawag si Lance kay Deanna. “I will just call you again next time. I have to go,” paalam naman ni Deanna. Kinuha na niya ang gamit niya at mabilis na umalis sa kwarto na kinaroroonan namin. ‘Di naman kami makakaalis dito nang hindi lumalabas si Enrique mula sa kwarto na ‘to. ‘Di ko rin siya kayang harapin ngayon. May naisip akong plano para sa kaniya. Sa ngayon ay pinipigilan ko lang ang sarili ko na umiyak ng sobra. Napaupo ng ayos si Enrique sa kama. Pinanood ko lang ang kaniyang mga aksyon. Bahagya akong lumayo kay Lance habang pinapanood ko si Enrique. Napabuntong-hininga si Enrique habang nakaupo. Pakiramdam ko ay hindi niya nagugustuhan ang ginagawa niya ngayon. O baka in

