5th Chapter: She's a Woman?

541 Words
"BAKIT hinayaan mo si Umi na makipag-date sa isang stranger?" Napangiwi si Alaude sa naninitang tanong ni Charly. Ramdam din niya ang matinding iritasyon sa boses ng babae. "Bakit ko siya pipigilan? Gusto niya 'yon, eh. Moreover, why in the hell are we here?" Kasalukuyan silang nasa second floor ng bar ni Luke Anderson. Mula sa kanilang puwesto ay makikita sina Umi at Luke na sa kanyang opinyon ay masyadong magkadikit. Nananahimik siya sa Partee-Partee Club kanina nang bigla na lang siyang sapilitang dalhin nina Charly sa bar na iyon. "Good question," segunda ni Sley. "Stalking is bad, children." "Sshh. Hindi n'yo ba naiintindihan? Si Umi ang bunso natin. Kailangan natin siyang bantayan," giit naman ni Genna. "And I don't trust that guy." "I agree," sang-ayon ni Melou. "Look where he brought Umi. A bar." "Melou, ano'ng masama ro'n?" kontra ni Alaude. "C'mon, I'm a bar owner. Ganyan ba kasama ang tingin n'yo sa negosyo ko?" "Hindi naman sa gano'n, Alaude," bawi ni Melou. "Hindi lang talaga mukhang katiwa-tiwala ang lalaking 'yon kaya lahat ng gawin niya, suspicious." Hindi pa rin maintindihan ni Alaude kung bakit ang laki ng problema ng mga kaibigan niyang babae kay Luke. "Woman's intuition, pare," natatawang sabi ni Melvin na parang nabasa ang kanyang isip. "And c'mon, look at that guy. Lalaki tayo kaya alam natin ang karakas ng mga kalahi natin. What can you say about that Anderson guy, Alaude?" Inisang-lagok lang ni Alaude ang Scotch. Hindi niya gustong makitang magkasama sina Umi at Luke. He did not like to see Umi smiling at that guy, pero kapag sa kanya ay nakasimangot pa. Naiirita siya. Mas naiirita siya kapag naiisip na siya rin ang dahilan kung bakit nagkakilala ang dalawa. Balak naman talaga niyang tulungang tumayo si Umi nang madulas sa Shop-o-pop pero naunahan siya ng tisoy na iyon. Noong mga bata naman kasi sila, sanay silang pagtawanan muna kung sino man ang madadapa bago tulungan. That was how they treated each other, and that was how their friendship remained strong through the years. Pasimple niyang sinulyapan si Umi. Lalo siyang nairita nang makita na naman niya ang suot na dress ng babae. Well, it was decent. Pero parang hindi pa rin niya matanggap na pinagtitinginan ng mga lalaki si Umi. She was still young... She's not, Alaude. She's a woman. "Stop acting intimate towards our Umi!" biglang bulalas ni Charly, sabay hagis ng fountain pen kay Luke. Nakita ni Alaude na tinamaan sa ulo si Luke. "Stupid Charly," he hissed. Sabay-sabay silang napayuko sa ilalim ng mesa nang biglang tumingala sa direksiyon nila si Umi. "Sorry," hinging-paumanhin ni Charly. Natawa nang marahan si Melvin. "This is silly. Girls, we should stop playing detective. Kaya na ni Umi ang sarili niya." "Hindi tayo dapat nangingialam sa pribado niyang buhay," seryosong sabi ni Sley. Bumagsak ang mga balikat nina Charly, Genna, at Melou. Sa wakas ay sumuko na rin at nakinig na sa kanilang mga lalaki. "Ladies, we also want to protect Umi, but not in this way," malumanay na sabi ni Melvin upang pagaanin ang loob ng mga babae. Si Alaude naman ay natahimik. Sinusundan na kasi niya ng tingin sina Umi at Luke na palabas ng bar. There was that irritating feeling again. His hand balled up into a fist when he saw Luke put an arm around Umi's shoulders. "Excuse me," paalam niya sa mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD