UMI HAD a good night. Luke brought her to a fancy restaurant. Hindi ito boring kausap at marami rin silang magkakaparehong hilig tulad ng pagguhit at mga pinakikinggang pop music.
Nadismaya nga lang siya nang dalhin siya ni Luke sa pag-aari nitong bar pagkatapos. She hated noisy places like that. Pero alang-alang sa lalaki, nagtiis siya. She liked Luke's company anyway.
"Are you having a good night, babe?" malakas na sabi ni Luke sa tapat ng kanyang tainga upang magkarinigan sila sa kabila ng malakas na musika sa buong bar.
Babe? What happened to 'princess'?! Pilit na lang ngumiti si Umi kahit hindi sanay sa ganoong endearment. "Yes! This is... fun?" Nagtunog-patanong ang huli niyang sinabi dahil hindi rin siya sigurado sa sarili kung nag-e-enjoy ba siya roon.
Tumawa lang si Luke at inisang-lagok ang baso ng alak. Nakakapito na ang lalaki at medyo mapungay na ang mga mata, tanda na lasing na.
Napahigpit ang hawak ni Umi sa baso ng juice habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng bar. Maingay, madilim, at magulo roon. Parang nagwawala ang mga humahataw sa dance floor. Hindi niya alam kung bakit pero hindi talaga siya kumportable sa lugar na iyon.
It was not her first time to go to a club. Alaude owned a fair number of bars and restaurants all over the country. Madalas silang gumimik doon ng mga kaibigan niya.
Alaude's Partee-Partee Club was much, much better than this one. Maingay rin naman sa Partee-Partee dahil sa mga nakakaindak na musika sa dance floor. Pero mapapansing may disiplina ang mga tao roon at mararamdaman mong safe ka. She was comfortable there.
Baka naman naninibago ka lang kasi hindi mo kasama ang mga kaibigan mo.
She heard Luke chuckle. "Good." Then, he put an arm around her waist.
Umi froze. Luke suddenly became touchy-feely and she was starting to get uncomfortable. Aatras na sana siya palayo nang biglang kumalas ang lalaki at dumaing habang nakahawak sa ulo. "What's wrong, Luke?" nag-aalalang tanong niya.
Nagpalinga-linga sa paligid si Luke. "Something hit my head." Pinulot ng lalaki sa sahig ang isang fountain pen. "May naghagis sa 'kin nito. Pero sino?"
Kumunot ang noo ni Umi. Mayroon siyang masamang kutob sa nangyayari.
Saka niya naramdaman na parang may nakatingin sa kanila. Naningkit ang kanyang mga mata habang inililibot ang tingin. Pero dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw na sumasayaw sa paligid ay nahihirapang maghanap ang kanyang mga mata ng mga pamilyar na mukha.
Then, a strong force urged her to look upwards. Wala siyang nakitang kakaiba sa second floor ng bar kundi isang bakanteng mesa.
"Luke, lipat tayo ng lugar?"