6th Chapter: Distress the Damsel

761 Words
BIGLANG nanigas si Umi nang akbayan siya ni Luke at kabigin palapit habang palabas sila ng bar. His touch was unwelcome. Mabilis siyang lumayo. "I need to get going, Luke. Goodnight." "What are you saying, babe?" nakangising tanong ng lalaki, mapungay na ang mga mata. At hindi na niya gusto ang paraan ng pagtingin sa kanya. There was lust in his eyes. "Hindi ba umalis tayo sa bar dahil gusto mo 'kong masolo? Because you want to get intimate with me?" Kumunot ang kanyang noo. "Nagkakamali ka. Niyaya kitang umalis na dahil unang-una, gusto sana kitang yayaing magkape para mahimasmasan ka. Pangalawa..." Para makalayo sa mga kaibigan kong sumusunod sa atin. Iba na naman ang naging interpretasyon ni Luke sa hindi niya pagtuloy sa sinasabi. Bigla na lang siyang hinapit sa baywang. "Second, you want me." And his blue eyes glinted dangerously. Sinampal niya nang malakas ang lalaki na namula agad ang maputing pisngi. "Let go of me, Luke," utos niya sa nagbabantang boses habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap nito. "C'mon, babe. 'Wag ka nang magpakipot." Akmang hahalikan siya ni Luke nang may kung sinong humila sa kuwelyo ng polo nito palayo sa kanya. Lumayo agad si Umi. Alaude's tall figure appeared behind Luke. "Alaude..." Seeing Alaude made her relax, and the fear she felt earlier was washed away. Medyo kinilabutan lang siya sa kaseryosuhang nakikita sa mukha ni Alaude; walang dudang galit. "You're a disgrace to the male population, Luke Anderson," sabi ni Alaude sa mapanganib at malamig na boses. Nanlaban si Luke kaya nakawala sa pagkakahawak ni Alaude. "Who the f**k are you?" "Your handsome nightmare." Walang-kasere-seremonyang humalik ang kamao ni Alaude sa mukha ni Luke. Bumagsak si Luke na duguan ang ilong. "Screw you, dude!" Tinangkang tumayo ng lalaki pero may kung sino nang sumipa rito dahilan para bumagsak uli at lalong madagdagan ang injury, dahil dumudugo na rin ang bibig nito ngayon. "Leave this idiot to me, Alaude," nakangiting sabi ni Melvin. "Iuwi mo na si Umi." "Sina Charly?" "Inihatid na sila pauwi ni Sley. They used the other exit. Ipaubaya mo na sa 'kin ang isang 'to," ani Melvin na ang tinutukoy ay si Luke. "I loathe men who force themselves upon women the most." Tumango lang si Alaude, pagkuwa'y hinawakan si Umi sa braso at marahang inakay palayo sa bar. Hindi umiimik ang lalaki hanggang makarating na sila sa parking lot. "Alaude, nasasaktan na ako." Binawi ni Umi ang braso mula kay Alaude. Hindi naman talaga masakit ang pagkakahawak sa kanya, hindi lang niya nagustuhan ang pananahimik nito. Humugot ng malalim na hininga si Alaude bago pumihit paharap sa kanya. "You stubborn little girl! Nakita mo na kung ano'ng idinulot sa 'yo ng paghahanap mo sa non-existent Prince Charming mo? Muntik ka nang mapahamak! Kung gusto mo ng lalaking guwapo, mabait, tapat, matapang, at mapagmahal, go to Sley and find a dog! Men in the real world are wolves! Stop hoping that a prince in a white horse would sweep you off your feet!" "Sorry, ha?" galit at sarkastikong sigaw niya. "Sorry kung naghahanap ako ng matinong lalaking magmamahal sa 'kin at hindi ako iiwan! Sorry din kung gusto kong maniwala na meron pa ring isang lalaki na kayang maging tapat sa akin sa kabila ng pagkakaroon ko ng kuya at daddy na babaero!" Pumiyok pa ang boses niya kasabay ng pagpatak ng mga luha. Biglang natahimik si Alaude. Nawala rin bigla ang galit na makikita sa mukha kanina. "Dapat nga, takot ako sa pag-ibig na 'yan, eh," pagpapatuloy ni Umi sa nanginginig pa ring boses. "You know my dad. He was a womanizer, and he hurt my mom a million times. Kaya lang kasi, natakot din ako na magaya kay Mommy. I don't want to be miserable, I don't want to die sad. I saw how my mother suffered when she was still alive. Before she died, ang sabi niya sa 'kin, sana raw ay hindi ako matulad sa kanya. Na sana raw, makahanap ako ng lalaking magmamahal sa akin nang totoo. Ipinangako ko kay Mommy 'yon. Na magiging masaya ako. "That's why I believe there's a prince who would love me truly and be loyal to me. Ngayon, kung para sa 'yo, kalokohan lang ang lahat ng ito, pasensiya ka na, ha? Pasensiya ka na kung gusto kong maramdamang espesyal ako sa isang tao na hindi ipinaramdam sa 'kin ng daddy at kuya ko!" Pagkatapos ng mahabang litanya ay tinitigan ni Umi sa mga mata si Alaude, saka tinalikuran. Dere-deretso siyang sumakay sa taxi. Ngayon lang niya nailabas ang saloobin sa ibang tao. Kahit paano ay gumaan ang kanyang kalooban. But she could not forget the gentleness she saw in Alaude's eyes. It touched her heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD