NAPAPIKIT na lang si Umi nang bago pa man siya makasakay sa kotse ay umibis na mula sa Porsche si Kuya Primo. She knew she would get an earful from him because of what happened last night. Maaga pa naman siyang gumising para maaga rin sanang pumasok sa trabaho para hindi magkrus ang mga landas nilang magkapatid.
"Good mor—"
"I heard about what happened last night, Umi." Namaywang si Kuya Primo sa harap niya at bumuga ng hangin. "Ano ba'ng pumasok sa isip mo para sumama agad sa isang estranghero?"
"Kuya, matanda na 'ko. I know what I'm doing," depensa niya.
"Obviously, my dear sister, you don't. Alam mo naman siguro na dahil sa ginawa mo, napaaway sina Melvin at Alaude."
Napayuko na lang siya at nakagat ang ibabang labi. Nakokonsiyensiya rin naman siya sa nangyari kaya nga balak niyang personal na humingi ng paumanhin kina Alaude at Melvin. Lalo na kay Alaude na napagbuntunan pa niya ng galit kagabi.
"Go easy on her, my lord. Hindi naman niya ginusto ang nangyari."
Napaangat ng tingin si Umi nang marinig ang boses ni Alaude na nakapamaywang habang nakakunot-noong nakatingin sa kanyang kuya.
"Alaude," bati ni Kuya Primo, mahahalata ang iritasyon sa boses.
"Milord." It was a term equal to "my lord." "Bago ka magalit sa kapatid mo, tanungin mo kaya sa sarili mo kung bakit siya nagkakaganyan? Bale-wala sa 'min ang mapaaway para maipagtanggol si Umi, na dapat ay ikaw ang gumagawa bilang kuya niya." Nilagpasan ni Alaude si Kuya Primo at basta na lang siya hinawakan sa braso. "Ihahatid na kita sa trabaho mo." Inakay siya papunta sa kotse nito. They walked past her brother just like that.
Nanibago si Umi sa naramdaman habang akay-akay siya ni Alaude papunta sa passenger's side ng kotse. He seemed gentle at the moment. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nagpatianod lang siya. Kahit nga nang bitawan na siya, nararamdaman pa rin niya ang init ng palad ni Alaude sa kanyang braso. It calmed her.
"I'm sorry, Umi," Alaude said gently while driving.
Tumaas ang isang kilay niya nang sa unang pagkakataon pagkatapos ng hindi niya alam kung gaano katagal ay tinawag uli siya ni Alaude sa kanyang pangalan. It made her happy. "For what?"
"For hurting your feelings last night. Alam kong madalas kitang asarin, pero sumobra na ako sa mga nasabi ko kagabi."
May mainit na bagay na bumalot sa puso ni Umi nang maramdaman niya ang sinseridad sa boses ng lalaki. "Kalimutan na natin 'yon, Alaude. Talaga namang kasalanan ko ang nangyari kagabi. Nadamay pa kayo. Thank you nga pala sa pagtatanggol sa 'kin."
Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi nito. "You're welcome." He gave her a quick sidelong glance. "I'm sorry, too, sa pakikialam ko sa usapan n'yong magkapatid. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina."
Natawa siya nang marahan nang may maalala. "Lagi mo naman akong ipinagtatanggol kay Kuya, eh." Bigla siyang tumigil sa pagtawa. Huli na para bawiin ang mga sinabi niya.
Natahimik din si Alaude. Ngayon lang kasi niya muling inungkat ang nakaraan kaya siguro nagulat din ang lalaki. "Hmm, yeah. We used to be good friends in the past," parang bale-walang komento nito.
Tumango na lang siya. Isang alaala kasi ang biglang nagbalik sa kanyang isip kaya natahimik siya. It happened when she was fifteen and Alaude was twenty.
"Umi, where have you been? Dahil sa 'yo, male-late na ako sa klase," sermon ni Kuya Primo.
Napayuko na lang si Umi. First day kasi niya bilang junior high school student sa bagong eskuwelahan kung saan makakasama na niya si Kuya Primo na nasa kolehiyo na.
Biglang nawala ang kuya niya pagdating nila sa eskuwelahan kanina. Ang akala niya, nauna na itong pumasok kaya nataranta siya. Mag-isa siyang lumakad para hanapin ang kanyang classroom. Iyon pala, bumalik si Kuya Primo at hinanap siya.
"My lord, 'wag mong pag-initan si Umi dahil lang nag-break na kayo ng girlfriend mo."
Nag-angat siya ng tingin sa nagsalita. Napangiti. "Alaude!"
"Good morning, Umi," bati ni Alaude na kahit hindi nakangiti ay alam niyang masaya rin itong makita siya. Marahan nitong hinampas ng dalang folder ang ulo ng kuya niya. "Primo, kasalanan mo 'yan dahil inuna mo ang pambababae."
"Shut the f**k up, Alaude."
Alaude just gave her brother the finger. "Ako na ang maghahatid kay Umi sa classroom niya."
"Really?" excited na tanong ni Umi.
"Yep. Let's go."
Mabilis siyang kumapit sa braso ni Alaude. Sa lahat ng nakatatanda sa kanya sa Luna Ville, si Alaude lang ang hindi niya tinatawag na "Kuya." Ayaw kasi niyang tratuhin siya ni Alaude bilang nakababatang kapatid. She wanted him to see her as a woman whom he could love romantically.
Yep, she was in love with Alaude. Ang lalaki rin ang dahilan kung bakit nagpalipat siya ng school. Noon pa man ay si Alaude na ang tagapagtanggol niya mula sa kanyang kapatid. He would always be her prince.
"Yes, in the past."