UMI WAS dead tired. Buong maghapon siyang naging busy sa pagsu-supervise sa site kung saan ang pagtatayo ng condominium ang proyekto ng kanyang team. Papatayin na lang sana niya ang lampshade sa kanyang tabi dahil matutulog na siya nang may kung anong tumama sa bintana ng kanyang kuwarto. Hindi na sana niya iyon papansinin pero naulit.
"Istorbo!" Grudgingly, tumayo siya mula sa pagkakahiga sa malambot na kama.
Nang hawiin niya ang mga kurtina ng bintana para silipin kung sino ang walanghiyang istorbo, nagulat pa siya nang makitang nakatayo sa harap ng bahay si Alaude na nakasimpleng itim na long-sleeved shirt, pantalon, at rubber shoes. May bull cap ding suot. Akmang babatuhin uli ni Alaude ng sa tingin niya ay maliit na bato ang bintana nang matigilan ang lalaki, kumaway ito nang makita siya. Then, he silently mouthed a command for her to open the window.
Nagtataka man, tumalima pa rin si Umi. "Bakit?"
"Come with me!"
"Where?"
"Just come with me, and you'll see!"
"Ngayon na?"
"Ngayon kita niyayaya, 'di ba?" pagsusungit ni Alaude, mukhang naiinip na.
Inaantok na siya pero nang makita niya ang guwapong mukha ni Alaude, parang nabuhay ang kanyang dugo. Hindi rin niya alam kung bakit parang nanabik ang pasaway niyang puso sa sorpresang inihanda ng lalaki para sa kanya.
Tiningnan ni Umi ang kanyang suot. Naka-pajama at Hello Kitty slippers lang siya. Napilitan tuloy siyang magbihis. She was dressed simply in a white T-shirt, a pink jacket, black denim pants, and black sneakers to match Alaude's casual clothes, pagkatapos ay ipinusod lang niya ang mahabang buhok.
Paglabas niya ay sinimangutan niya si Alaude kahit ang totoo ay sumisirko na ang kanyang puso dahil sa pinaghalong pagkasabik at kaba. "Alam mo bang alas-onse pasado na ng gabi? At may curfew ang Luna Ville," kunwa'y pagtataray niya.
Kumunot ang noo ng lalaki. "Sa minors lang applicable ang curfew, 'no. Let's go."
"Saan?"
Imbes na sumagot ay hinawakan lang ni Alaude ang kamay niya at hinila. Napasinghap siya nang maramdaman na naman niya ang kakaibang sensasyong gumapang sa buo niyang sistema dahil sa paghawak ng lalaki.
Pero hindi siya nagtangkang magbawi ng kamay. She hated that she liked feeling his warmth, and the tingling sensations his touch could give her.