9th Chapter: Lovely Magic Fountain

1274 Words
"WE'RE here." Luminga-linga si Umi sa paligid. Nasa park sila ng Luna Ville. Maliwanag pa sa paligid dahil sa mga nagkalat na lampposts. May ilaw rin kasi sa paligid ng malaking water fountain sa gitna ng parke. "Ano'ng gagawin natin dito?" nakakunot-noong tanong niya. Tiningnan siya ni Alaude. He looked excited for some reason. "Alam mo ba ang legend tungkol sa water fountain na 'yan?" "Hindi." "Well, ganito 'yon. That fountain is a wishing fountain. Ang sabi ng mga taga-village natin, nagkakatotoo raw ang wish ng kahit sinong makakapag-shoot ng barya sa hawak na banga ng angel statue na iyon sa tuktok ng fountain." Itinuro ni Alaude ang maliwanag na buwan. It was a full moon. "At kailangan, full moon kapag nag-wish tayo." Umungol sa protesta si Umi. "Alaude, kung magwi-wish ka lang pala, bakit isinama mo pa 'ko? Uuwi na ako." Tinangka niyang bawiin ang kamay sa lalaki pero hinila lang siya palapit sa fountain. Hindi na siya nakapalag dahil mas malakas ito sa kanya. "Alaude, gusto ko nang matulog!" "Hindi naman ako magwi-wish para sa sarili ko. Ikaw ang magwi-wish para sa sarili mo. Sasamahan lang kita." Binitiwan lang ng lalaki ang kamay niya nang may kung anong dinukot mula sa bulsa ng pantalon. "Here. Make a wish." Inabutan siya ng lumang piso. "Lumang piso lang daw ang puwedeng gamitin. Isa lang 'yang nakuha kong lumang piso kaya galingan mo. Sinulatan ko na rin 'yan ng initials mo. Kasama raw 'yon sa ritwal." "Sino naman ang nagsabi sa 'yo niyan?" "Si Tita Reina," ani Alaude na ang tinutukoy ay ang ina ni Ate Genna. "Ginawa raw nila 'yan noong kabataan nila. Wala namang masama kung susubukan mo rin, 'di ba?" Tiningnan ni Umi ang lumang pisong hawak. May nakasulat nga roon na "E.M.V." "Ano naman ang iwi-wish ko?" Namaywang ang lalaki, halatang naiinip na. "Ano pa ba? Eh, di i-wish mong mahanap mo na ang Prince Charming mo." Natural lang na magulat siya. Hindi ba noon ay si Alaude ang galit na galit kapag binabanggit niya ang salitang "Prince Charming"? Pagkatapos ngayon ay ito pa ang magtutulak sa kanya para hanapin ang kanyang "non-existent prince." "Naka-drugs ka ba, Alaude?" Pinitik nito ang kanyang noo. "I'm serious, Umi." "Bakit?" He put his hands into his pockets and looked up at the starry evening sky. "Like I told you before, I'm really sorry for hurting your feelings. You're tough, Umi. Madalas, nate-take for granted ko ang katapangan mo kaya lagi kitang inaasar. 'Akala ko kasi, ikaw pa rin 'yong batang babae na puwede kong paiyakin dahil ang cute niya kapag umiiyak. Pagkatapos, bigyan ko lang siya ng lollipop, bati na kami." Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Kaya pala lagi siyang inaasar ni Alaude noong bata siya. "But when you cried in front of me that night, habang sinasabi mo sa 'kin ang lahat ng sama ng loob mo, do'n ko na-realize na hindi ka na pala bata. I felt guilty for hurting you. Pero higit sa lahat, ayoko nang makita kang umiiyak uli." Bumuga ng hangin ang lalaki, saka muling sinalubong ang kanyang tingin. "I just want you to be happy, that's all." Napahigpit ang pagkakahawak ni Umi sa lumang piso. Muntik na rin siyang mabingi sa lakas ng t***k ng kanyang puso. He said he wanted her to be happy. Lumobo ang kanyang puso. "Thank you, Alaude." Then, after many years, she smiled genuinely at him. He froze. Nanatili lang nakatitig sa kanya. Hindi alam ni Umi kung dala lang ba iyon ng mga liwanag sa paligid, pero nangislap ang mga mata ng lalaki. Nang makabawi ay inihilamos nito ang kamay sa kanyang mukha. "Mag-wish ka na nga lang." Nakangiti siyang tumango. "Okay." Pumuwesto siya sa tapat ng water fountain. Tiningala ang estatwa ng batang anghel na may hawak na banga sa ituktok. Medyo mataas ang banga kaya hindi siya sigurado kung maishu-shoot niya ang lumang piso. "You can do it, Umi," bulong ni Alaude sa kanyang tainga. Nanayo ang mga balahibo niyang tinamaan ng mainit nitong hininga. It felt good. Pakiramdam niya, lumakas ang kanyang loob. Hinawakan niya nang mahigpit ang lumang piso at itinapat sa kanyang dibdib. Pumikit siya upang tahimik na humiling. I want to meet the prince who would sweep me off my feet. Sana po, mahanap ko na ang lalaking tatanggap at magmamahal sa akin. 'Yong hindi ako iiwan. 'Yong magiging tapat sa akin habang-buhay. I want to have a happy ever after with him. When Umi opened her eyes, she turned to Alaude. Mukhang kanina pa nakatitig sa kanya ang lalaki. He smiled at her. It was his very first genuine smile for her after a long time, too. Lalong lumakas ang kanyang loob. Itinuon niya ang buong atensiyon sa banga. Kailangan lang niyang mai-shoot ang lumang piso roon para matupad ang kanyang wish. Here goes nothing. Huminga muna nang malalim si Umi bago inihagis ang lumang piso. Pigil niya ang hininga habang hinihintay ang resulta ng kanyang ginawa. Bumagsak ang kanyang balikat nang tumama ang barya sa bunganga ng banga at mahulog sa tubig. It did not get in. Na-frustrate siya. Ang totoo kasi niyan, lahat ng kanyang pag-asa sa puso na mahanap ang tamang prinsipe ay ipinaloob na niya sa baryang iyon. Pakiramdam tuloy niya, pati ang tadhana ay sinasabing matutulad siya sa kanyang ina. Napahikbi siya. "It's impossible, huh?" Tumalikod na siya at akmang tatakbo na pauwi nang marinig niya ang paglagasgas ng tubig. Marahas niyang nilingon ang pinanggalingan ng ingay. Napasinghap siya nang makitang lumusong si Alaude sa water fountain. Napilitan tuloy siyang bumalik sa puwesto niya kanina. "Alaude! Ano'ng ginagawa mo?" Nakayuko ang lalaki habang may kung anong kinakapa sa tubig. "Sa banda rito nahulog 'yong barya." "Umahon ka na nga diyan! Nag-aaksaya ka lang ng oras, magkakasakit ka pa!" "I'm doing this is for your happiness, so I'm not wasting my time," kaswal na sagot ng lalaki. "And handsome men can't be hurt by water, you know." Natahimik si Umi, hindi niya alam kung bakit ginagawa iyon ni Alaude para sa kanya, pero tunaw na tunaw na ang kanyang puso. Nobody cared for her as much as Alaude did. "Alaude..." "'Found it!" Dumeretso ng tayo si Alaude at nakangiting humarap sa kanya. Ipinakita ang lumang piso na may initials niya. "'Wag kang sumuko agad, Umi. I'm here for you. I even promise to help you find your prince." Umahon na mula sa water fountain ang lalaki, basang-basa. Malamig pa naman ang simoy ng hangin. Kinuha niya ang lumang piso kay Alaude. Mabuti nang matapos agad iyon para makauwi na ito at makapagbihis. "Sige, susubukan ko uli." "Umi, I'm sorry about this." "About wha—" Hindi na niya natuloy ang itatanong nang maramdaman ang matatag at basang katawan ni Alaude sa kanyang likod. Hinawakan din nito ang kamay niyang may hawak sa barya. "Let's throw the coin together," masuyong bulong ng lalaki. Nagkaroon na naman siya ng kakaibang lakas ng loob. She believed in him. She trusted him. And she liked being close to him. Tumango siya. "Let's do this." "One, two..." Inalalayan ni Alaude ang kamay niya. "Three!" Inihagis ni Umi ang barya habang nakaalalay ang kamay ng lalaki sa kanyang braso. Napalunok siya habang parang bumagal ang pag-ikot ng mundo. Muli na naman niyang pinigil ang paghinga. She silently prayed. Please! Please! Please! And the coin went in! O baka dinadaya lang siya ng paningin? "It went in, Umi!" masayang bulalas ni Alaude. Doon na siya naniwalang pumasok nga ang lumang piso sa banga. Tumili siya at pumihit paharap para yakapin ang lalaki. "We did it, Alaude! Matutupad na ang wish ko!" He laughed. "Yes, your wish will come true. I'm happy for you, Umi." Natigilan siya habang nakatitig sa mga mata ni Alaude. They were as dark as the evening sky, but they were shining like the stars. She smiled. "Salamat, Alaude. You'll help me find my prince, right?" Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi. "I will."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD