"OH, UMI! My dear little sister!"
Marahas na nilingon ni Umi ang pinanggalingan ng nakakairitang boses. Hindi na siya nagulat nang makitang palapit si Kuya Primo, pero nagulat siya nang bigla na lang siyang yakapin nang mahigpit ng kapatid, pagkatapos ay ipinaikot-ikot pa.
"I'm really sorry for getting mad at you the other day, Umi. 'Wag ka nang magtampo kay Kuya, ha?" malakas at malambing na sabi ni Kuya Primo na ikinatawa ng mga nakakakita at nakakarinig sa kanila.
Lumayo siya at inirapan ang kapatid. Nadale na naman ng kapatid niyang ito ang kanyang kahihiyan. Mabuti na lang at puro taga-village nila ang naroon sa Kahit Saan fast-food restaurant. Pag-aari iyon nina Alaude, Kuya Primo, Kuya Melvin, Kuya Stein, at Kuya Sley. Naiinis kasi ang mga lalaking ito noon kapag nagtatanong sa kanila nina Ate Charly, Ate Melou, at Ate Genna kung saan nila gustong kumain. Ang isasagot nila ay "kahit saan." Kaya nagdesisyon ang mga lalaking iyon na magtayo ng Kahit Saan fast-food chain.
"Umi, am I forgiven?" parang batang tanong ni Kuya Primo.
"Oo na, oo na," kunwari ay pagtataray niya kahit ang totoo ay gusto niya ang ginagawang paglalambing ng kapatid. Sa mga ganoong pagkakataon lang kasi niya nararamdamang magkapatid sila, dahil madalas ay busy si Kuya Primo sa mga babae nito. Na pinag-uugatan din ng kanyang pagtatampo.
"Thank you, sis!" Hinalikan pa siya sa sentido ng kapatid niya. "I'll treat you to breakfast. Ano'ng gusto mong kainin?" Tinabihan pa siya at ipinatong ang mga braso sa counter habang nakatingin sa kanya.
Tumingin si Umi sa menu board sa itaas. "I want 'Kung Ano'ng Sa 'yo.'" Yep, that was the name of meal number one: chicken sandwich, large French fries, chocolate sundae, and large float.
Again, ang mga pangalan ng meal sa Kahit Saan ay iyong mga madalas nilang isagot kapag nagtatanungan na kung ano ang kakainin nila. Yes, Luna Ville's boys were that creative. Pagkatapos nilang um-order ay dumeretso sila sa dulong bahagi ng fast-food restaurant at nakisalo kina Ate Melou, Ate Charly, Kuya Stein, at Kuya Sley na naroon na.
It was a Sunday morning, kaya naman kompleto sila. Pare-pareho nilang off ang araw na iyon. Well, halos lahat naman sila ay hawak ang kanya-kanyang oras bilang presidente ng kanya-kanyang kompanya.
"Good morning, Luna babies!" bati ng kadarating lang na si Kuya Melvin. Iyon ang term sa mga tulad nilang laking-Luna Ville. "Good morning, love!"
Tumayo si Kuya Primo at sinalubong ng yakap si Kuya Melvin. "Good morning, too, love!"
Nagtawanan na lang ang mga tao roon. Wala namang sumeseryoso sa "lambingan" nina Kuya Primo at Kuya Melvin dahil alam nilang lahat na parehong straight ang dalawa. Form of entertainment na lang iyon para sa kanila.
Nagpalinga-linga naman si Umi sa paligid. Everyone was there, except for Alaude. Kung noon, ipinagdarasal niyang huwag magtagpo ang mga landas nila ng lalaki, ngayon ay gusto na niya itong nakikita. Alam niya, ramdam niya, na mula nang gabing dalhin siya ni Alaude sa wishing fountain, naibalik na ang kanilang pagkakaibigan na siya lang naman ang sumira. Ngayon lang din niya na-realize kung gaano niya ito na-miss.
"May hinahanap ka, Umi?" tanong ni Ate Charly.
"Ahm—"
"Good morning!" masiglang bati ni Alaude na kadarating lang.
Napangiti naman si Umi nang makita si Alaude. She felt like her day was complete upon seeing him. Nagtama ang kanilang mga mata. May kung anong malakas na bagay ang tumama sa kanyang dibdib pero hindi siya nag-iwas ng tingin.
"Good morning, Umi," nakangiting bati ni Alaude.
"Good morning, Alaude," nakangiting ganting-bati ni Umi.
Biglang natahimik ang buong lugar. Tumigil ang lahat sa pagsasalita at sabay-sabay na napatingin sa kanila. Ang tanging ingay na narinig ay ang pagkabitiw ni Kuya Primo sa kutsara. Hindi makapaniwala ang lahat sa batian nila ni Alaude.
Mabilis namang naglabas ng ball pen at notebook si Ate Charly. "I need to jot down this development."
Napailing na lang si Alaude. "Anyway, Melvin, may naghahanap sa 'yo." He stepped aside, may isa palang lalaki sa likuran ng lalaki.
A handsome young man in business attire greeted them. Melvin excused himself to talk to the visitor. Mukhang wala nang iba bukod kay Umi ang pumansin sa lalaki dahil nakatuon ang atensiyon ng mga kaibigan niya sa kanila ni Alaude.
Umupo sa tabi niya si Alaude. "Hi, Umi. 'Musta ka na?" tanong ng lalaki na nakapagpatahimik sa lahat.
Tumikhim si Umi para mapigilan ang sarili na tumawa dahil sa reaksiyon ng mga tao sa paligid. "Mabuti naman. Ikaw? I hope hindi ka nagkasakit."
"Nah, like I told you, I can't be hurt by water."
Tumaas ang isang kilay ni Ate Charly. "I'm sure something happened between you last night. Kailangan ko 'yang isulat sa nobela ko." Sinulyapan sila ng babae, pagkuwa'y nasapo ang noo. "Oh, God. You're both blushing!"
Parang nakabawi na ang mga kaibigan nila dahil inulan na sila ng tukso. Lalo tuloy naramdaman ni Umi ang pag-iinit ng magkabilang pisngi.
"Nagkabati lang kami ni Umi, why are you making such a big deal out of it?" saway ni Alaude na mukhang nakabawi na dahil normal na uli ang kulay ng magkabilang pisngi.
"Oo nga," sang-ayon agad ni Umi. "Ang OA n'yo na, ha?" Tumayo siya para magtungo sa CR para makatakas sa tuksuhan. Nate-tense kasi siya.
Pero sa bilis ng paglalakad at dala na rin ng pagkataranta, hindi pa nakalalayo si Umi ay nagkandabuhol-buhol na ang mga paa niya at muntik nang madapa kung hindi lang siya nasalo ng kung sino. And when she looked up, bumati sa kanya ang guwapong mukha ng kausap ni Kuya Melvin.
"Are you okay, Miss?" nakangiting tanong ng lalaki habang inaalalayan siyang tumayo nang deretso.
Napatango na lang si Umi. Nai-speechless talaga siya kapag nakakakita ng guwapo. Inalalayan din siya ng lalaki sa pag-upo sa puwesto niya kanina.
"I need to get going," nakangiting paalam sa kanila ng lalaki. "Good-bye, Sir Melvin."
Kuya Melvin just nodded.
Sinusundan pa rin ni Umi ng tingin ang lalaki hanggang sa paglabas. Bago tuluyang lumabas ng Kahit Saan ang lalaki ay huminto pa at lumingon sa kanilang direksiyon. Nagtama ang kanilang mga mata. He smiled at her. She timidly smiled back at him. Kinikilig pa rin siya kahit nang makaalis na ang lalaki. "Kuya Melvin, sino 'yon?" hindi napigilang tanong niya.
"That's Pete, my company's marketing head."
"Bakit siya nandito?"
"He just reminded me of our company's anniversary party next week. Gusto mo siya, Umi?" hindi napigilang usisa ni Kuya Melvin.
Nahihiyang tumango lang siya. May isang ideya na pumasok sa kanyang isip. "Kuya Melvin, invited ba kami sa party n'yo?"