Chapter 2

1141 Words
Halos mapanganga si Marj ng huminto ang kinasasakyan nila sa tapat ng isang magarang bahay.              Nakatulala lang siya ng magulat dahil biglang nagsalita ang lalaki sa tapat ng kinauupuan niya. Nakababa na pala ito sa driver seat at ngayon ay sinisigawan siya.           "Hey Stupid! Tatanga kalang ba diyan buong araw o gusto mong bumaba para bitbitin mo itong gamit mo? Oh baka gusto mong ako pa ang magbitbit?" naiinis na sabi sa kanya.          " Pwede rin naman." tatry lang nya kung maiinis ito. Pero nagulat sya ng tingnan siya nito ng masama.          " Sinong bang amo sa ating dalawa?" Naasar na tanong nito sa kanya.        "Ikaw! Pero pwede naman ako kung gusto mo! Hahaha!" tawa nya dito pero bigla siyang napapeace sign ng makita masama na talaga ang tingin nito sa kanya.       " Ikaw naman joke lang! Hindi na mabiro." palusot ni Marj bago tuluyang bitbitin ang gamit.       "Wag mo akong binibiro dahil di mo alam kung gaano ako kasamang magalit!" Tila mauusok na ito talaga sa galit kaya naman namutla na si Marj.     " Hehehe! Peace na tayo! Sorry na!" at nagpeace sign na lang ulit dito.     "TSK!" Yun lang ang sinagot sa kanya ng lalaki atsaka sya tinalikuran para tahakin ang daan papuntang bahay.       Naunang naglalakad ang lalaki kaya andun sya sa likuran nito habang hirap na hirap na bitbitin ang kanyang mga gamit.       "Tsk! Wala man lang kagentle gentle sa katawan ang taong ito! 'Di man lang naawa sa diyosang katulad ko! Palibhasa pangit!" nagulat siya ng biglang lumingon ang lalaki sa kanya.         "May sinasabi ka?" Poker face na tanong nito sa kanya.          "Wala! Ang sabi ko ang pogi nyo po! Sige po! Lakad lang po kayo! Susundan lang kita! Kayang kaya ko kaya tong dala ko! Ang gaan nga eh! Gusto mong dagdagan pa?! Kayang kaya!" Mayabang at palusot niyang sabi kahit pawis na pawis na sa pagbitbit ng gamit niya.          "Tsk! Sino ba kasi may sabing magdala ka ng ganyan karami? Daig mo pang nasalanta!" Naiinis nitong sabi atsaka siya tinalikuran.          "Haist! Ang sungit talaga! Meron siguro to! Hihihi!" Bulong nya sa sarili. Biglang humarap ulit ang lalaki sa kanya. " May saltik ka ba?" Matiim na tanong sa kanya.         "Huh bakit!?" Takang tanong ni Marj.         "Kanina ka pa kausap ng kausap sa sarili mo eh! Tsk! Itong si Angie magpapasok na lang ng katulong baliw pa! Tsk! Stupid na baliw pa!" Saad nito saka sya tuluyang tinalikuran. Hindi nal ang sumagot ang dalaga at tinignan na lang nito ng masama ang lalaki. Sa wakas, dahil sa haba ng nilakad nila nakarating rin sila sa loob ng bahay.         "Ang luwag luwag pala ng driveway dito sa tapat ng bahay at pwedeng dito na lang ipark ang sasakyan para malapit lang, pero piniling duon sa bungad ng gate magpark, pinahihirapan ba talaga ako nito?" Sa loob loob ni Marj at gusto ng manggigil sa magaling na amo Tinawag ng lalaki ang isang katulong para i-assist si Marj.        "Before lunch go to my room, iinterbyuhin kita bago ka mag-umpisa." Biglang sabi ng lalaki sa kanya at binigyan siya ng ngisi bago iniwan. Dadalhin na sana siya ng katulong sa maids quarter ng biglang bumuwelta ang lalaki pabalik.        "Cora! Give her one of the guest room here , the one in front of my room." At saka sila tuluyang tinalikuran na ikinatanga ng dalawang babae.       "Seryoso si boss? Katulong! Guest room gagamitin?" Takang tanong ng tinawag na Cora.       " Haist! Tara na nga!" kahit nagtataka ay dinala na lang siya ni Cora sa guest room.        "Wala bang saltik yang magiging amo ko? Katulong ako di ba? Bakit ako sa guest room tutuloy?" Buong pagtatakang tanong ni Marj.         "Ay! Hindi ko rin alam! Nagtataka nga ako eh! First time to huh? Kahit nga ibang bisita hindi niya basta pinapayagang matulog dito eh! Ay! Oo nga pala, ako nga pala si Corazon pero cora na lang for short." Pakilala nito sa dalaga saka nilahad ang kamay na pinaunlakan naman ni Marj.        "Marjorie naman ako, marj for short." Nakangiting pakilala rin niya.         "Sige maiwan muna kita kasi may gagawin pa ako. Oo nga pala! Wag mong kalimutan na bago maglunch ay kakausapin ka raw ni boss sa room nya... teka sa room nya?! First time talaga to, eh si Manang Amy lang nakakapasok sa silid nya para linisin kahit ako di ko pa nasisilip yun. Tapos ikaw bagong dating papasukin niya agad. Naku! Mukhang may something ito! Hehehe!" Makahulugang sabi sa kanya. " Sige dyan ka na! Goodluck!" Dugtong ni Cora at iniwang tulala si Marj. Bago pa man makapanghali ay tinungo na ni Marj ang tapat ng pinto ng binata at kumatok ng mahina. Pero nakailang katok na siya ay pa ring walang sumasagot. Naisipan niyang pumasok na tutal di naman nakalock. Dahan dahan siyang sumilip pero di nya makita kahit anino ng binata. Ganuon na lang ang gulat niya ng biglang bumukas ng pinto ng banyo at iniluwa ang binatang bagong ligo at nakatapis lamang. Biglang napatalikod si Marj dahil sa nakita.         "Basta ka na lang ba talaga pumapasok sa kwarto ng may kwarto?" matiim na tanong ng lalaki habang nararamdaman niya ang paglapit nito sa kanya, kaya naman ganoon na lang ang kaba sa kanyang dibdib.        "Sorry po! Katok kasi ako ng katok tapos walang sumagot kaya nag-alala ako." pahinging paumanhin ni Marj.       "Is that so? Well then! Lets start the interview. First! Introduce yourself." hindi makahinga ng maayos ang dalaga dahil bumubulong sa kanang tainga niya ang lalaking nasa likuran niya na ngayon ay dikit na dikit sa kanyang likuran. Nanginginig na sumagot nalang sya.       "Ako po si Amber Marjorie Acuna pero tinatawag po nila akong Marj. 19 years old pa lang po ako." Nanginginigna sambit ng dalaga dala ng kaba sa isiping nakatapis lamang ang lalaking nasa likuran niya.       "Is that all?" tanong nito na sinagot lang ng tango ng dalaga.        "Ok then let me also introduce my self! I'm Carl Devin Ibañez, 28years old. The most dangerous businessman here in the philippines and i'm telling you! I'm not a good person 'cause I'm a certified devil, a possessive one! Because what is mine...is mine alone! Like what I told you earlier you're mine now. So don't you dare talk with other guys dahil hindi mo alam ang pwede kong gawin sa kanila." kung nagulat siya sa sinabi ng binata ay mas nagulat siya sa ginagawa nito.      Hinahalikan lang naman nito ang nakalitaw na balikat ng dalaga sa suot nitong off shoulder na blouse.       Dahil dito nabigla ang dalaga at humarap kay Devin.       Subalit sa pagmamadali niyang humarap dito ay natabig niya ang tanging tapis nito sa katawan at nalaglag.      At ngayon ay kitang kita niya sak anyang harapan ang hindi niya dapat makita. Kaya naman natatarantang tumalikod muli ang dalaga. Maririnig sa loob ng kwarto ang mga tawa ni Devin dahil sa nakikitang reaction ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD