Chapter 1

792 Words
  Hirap na sa buhay si Marj sa probinsya at lahat ng klaseng disenteng ikakabuhay ginawa na niya, kahit magtinda ng talbos pero wala pa rin dahil hirap na hirap pa rin siya... Pero nagbago ang lahat ng dumating galing maynila ang bestfriend niyang si angie dito sa maynila "Uy friend kamusta na?" tanong nito kay marj. "Eto mahirap pa sa daga." - Marj. "Grabe ka naman! May mayaman bang daga?" natatawang untag sa kanya ng kanyang kaibigan na si Angie. "Eh ikaw kumusta na?" Tanong ni Marj sa kaibigan. "Ayos naman kasi mabait sa akin ang amo ko." Nakangiting saad ni Angie. "Amo? Bakit nangangatulong ka sa Maynila?! Malaki ba sahod?! Hindi ba mahirap?! Pwede mo ba kong ipasok?!" tuloy tuloy na tanong niya. "Hahaha! Dami mo agad tanong at di ako makasingit. Pero oo lahat ang sagot ko sa tanong mo pwera lang dun sa kung pwede ka bang ipasok. Kase medyo alanganin, kakakuha lang kasi nya ng kapalit ko." Nakangiting saad ni Angie. "Bakit umalis ka dun? Akala ko mabait?" Takang tanong ni Marj. "Hindi no! Dun pa rin ako nakatira pero ayaw raw nyang nakikitang nahihirapan ako, ewan ko sa isang yun!Nakakasakal! Lahat pinagseselosan! Kaya tinakasan ko muna eh" Tila naiinis na sabi nito. Tinitigan ni Marj ang kaibigan. Kung maganda na noon ang kaibigan ay dumoble lalo ang ganda nito ngayon. "Ang ganda mo naman kasi eh." papuri ni Marj sa kaibigan. "Naku! Nagsalita ang akala mo hindi maganda! Kaya nabalitaan ko na patay na patay sayo ang may ari ng hacienda dito eh! Hahaha!"Panunudyo ng kaibigan sa kanya. "Naku! Naku! Yung mayabang na yun akala mo'y kay gwapo! Kung di pa mayaman! Teka! Di mo na talaga ako mapapasok na katulong o kahit ano? Kailangan ko ng pera kasi kukunin daw nung pangit na yun yung bahay at lupa pati sakahan ni tatay kapag di kame nakabayad sa loob ng taon na to. Kaya kailangan kong makaipon, kawawa naman sila nanay at tatay." Madamdaming saad nya sa kaibigan. "Inaalok ka ng kasal nun di ba? Ayaw mo ba? Hahaha! Wala ka ng hirap noon at biglang yaman ka pa! Hahaha!" Sabay tawa ni Angie bilang tudyo sa kaibigan. "Naku Angie! Umayos ka nga baka sipain kita pabalik ng Maynila. Its a big no! Over my dead sexy and gorgeous body na pakakasalan ko sya noh?! No way highway! Kaya kelangan kong mag-ipon eh. Please tulungan mo na ko Angie! Pretty please!" Pagmamakaawa nya sa kaibigan. "Ah! Sa kaibigan na lang ng boss ko pero yun nga lang may pagkamasungit yun, ok lang sayo? Laging naaalisan ng katulong yun sa sobrang sungit nya. " - Angie. Napatango naman si Marj dito at napangiti. "Sige sabay ka na lang sa akin pagbalik kong Maynila." nakangiting sabi ni Angie. Pupunta na sana silang bahay nila Angie para duon ituloy ang kwentuhan nang biglang dating ng isang magarang sasakyan. Narinig nya ang pagsinghap ng kaibigan nang bumaba ang isang gwapo at mukhang maawtoridad na tao mula sa sasakyan na iyon. "s**t! Nasundan nya ko." narinig nyang bulong ng kaibigan. Lumapit ang lalaki kay Angie at mahigpit na hinawakan nito ang kamay ng kaibigan niya. "You doesn't know how mad I am now right now Angie! Try to escape again next time and you'll receive a great punishment!" May diin na saad ng lalaki sa kaibigan niya. Walang nagawa si Angie ng dalhin sya ng lalaki sa sasakyan nito. Bago sumampa ay lumingon si Angie sa kanya. "Ayaw mo bang sumabay sa amin Marj pamaynila?" Tanong sa kanya ni Angie. "Hindi na muna siguro at kailangan ko pang magpaalam kela nanay baka kasi mag-alala sila kung aalis ako ng basta. Sunod na lang ako sa inyo sa isang araw." Tumango na lang si Angie sa kanya. "Sige itetext at tawagan na lang kita para masabi ko rin sa magiging amo mo na ipapasok kita." Saka tuluyang sumampa sa sasakyan. "Ok sige! Ingat kayo!" Pahabol niyang sigaw dito Sa likurang bahagi ng sasakyan naupo ang mga ito dahil may kasamang driver ang lalaki. Kitang kita nya sa nakabukas na bintana ng sasakyan kung paano dinaluhong ng halik ng lalaki ang kaibigan na wari moy sabik na sabik bago tuluyang humarurot paalis ang sasakyan. "Shems! Ganuon ba ang amo sa Maynila? Parang gusto ko ng magback-out!" Bulong ni Marj sa sarili. Nagpaalam siya sa magulang niya at isang araw ang nakalipas umalis na sya patungong Maynila. At doon nga sa terminal nagtagpo ang landas nila ng magiging amo nya na ngayon ay tinatawag syang stupid. "Tsk! Bahala ka sa buhay mo!" inis na saad nya sa lalaking katabi sa sasakyan sapagkat ayaw siya nitong tigilan sa kakangisi. Sinagot naman siya nito. " Pwes! Humanda ka pag-uwi natin!" nakangising saad nito na ikinakaba ni Marj.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD