bc

My Possessive Devil Boss ( Possessive Ibañez 1 ) Completed

book_age16+
14.6K
FOLLOW
80.0K
READ
possessive
age gap
goodgirl
boss
comedy
sweet
bxg
humorous
virgin
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Masungit at supladong boss...yan ang hindi inaakalang magiging boss ni Marj. Sinubukan niyang makipagsapalaran sa maynila ngunit ang makasama ito sa iisang tahanan ay tila mas matinding sapalaran. Ngunit paano kung matuklasan niya ang lihim nito na siyang dahilan kung bakit siya nito sinusungitan at sadyang iniiwasan. Hanggang kailan niya maititis ang araw-araw halos nitong pagpapaiyak sa kanya.

chap-preview
Free preview
Prologue
            Maalinsangan na kapaligiran at ingay ng mga taong nasa kapaligiran ang nadatnan ni Marjorie mula nang makatuntong sa bus terminal ang bus na kanyang kinasakyan. Magkasalikop ang mga palad na umibis siya sa kinasasakyan na tila kinakabahan sa kung anong kapalaran ang kanyang maaring makamit sa pagtuntong niya sa Maynila.           Tila naiinip na nag-aabang si Marj sa kaibigan na siyang susundo sa kanya sa terminal. Kararating lamang niya galing probinsiya at inaabangan ang pagdating ng kaibigan na siyang magpapasok sa kanya bilang katulong. Dahil highschool lamang ang natapos at galing probinsya ay iyon pa lamanng ang alam ay kaya niyang pasukan sa ngayon.          Nanunuyot na ang kanyang lalamunan at bahagyang nangiginig ang mga labi dulo't ng kaba at pagkauhaw. Akmang pahakbang na ang kanyang mga paa upang tumawid sa kabilang kalsada upang bumili ng kahit anong makakapapawi ng kanyang uhaw, nang biglang may humablot ng bag na kibit-kibit niya sa balikat.          "Waaaah! Bakit mo kinukuha ang gamit ko?!" Natataranta at nanlalaking mata niyang naisigaw sa kung sino mang snatcher na iyon. Kasabay ng kanyang pagsigaw ay siyang paglingon ng mga tao sa kapaligiran, ngunit kahit isa ay walang may balak tumulong dahil sa takot. Patuloy lang sa pakikipaghablutan si Marj sa kanyang bag. Wala siyang balak isuko ito na tila doon nakasalalalay ang kanyang buhay at kinabukasan.         Umaagos na ang kanyang pawis sa mukha, nanghahapdi na rin ang mga palad dahil sa patuloy na pakikipagbuno para sa kanyang natatanging gamit na dala-dala. Pinanghihinaan na rin siya ng loob dahil sa kaalamang walang may balak na tumulong sa kanya. Pilit pa rin siya lumaban kasabay ng pangingilid ng luha at hapdi sa palad ng siyang nararamdaman niya ngayon.         "Ibibigay mo itong bag mo o sasaksakin kita?" Pananakot sa kanya ng snatcher.         "Maawa ka, Kuya! Ito lang po ang mayroon ako! Please, maawa ka!" hindi na napigilan at tuluyang pumatak ang kanyang mga luha. Tuluyan na ngang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata. Kung alam lang niyang ganito lang ang kanyang kasasapitan, sana pala ay 'di na siya tumuloy. Saktong nasa loob ng bag na iyon ang kanyang de keypad na cellphone na siyang tangi niyang pang contact sa kaibigan, pati na rin ang maliit na halagang pera. Ito na lang ang natitira sa kanya. Paano na siya kung mawala pa ito.          "Anong awa? Wala akong pakialam sa iyo dahil ang kailangan ko ay itong laman ng bag mo! Kaya bitaw!" Sigaw ng snatcher pero patuloy pa rin ang mahigpit na kapit ni Marj at 'di pa rin bumibitaw.          "Ayaw mo talaga huh?" akmang sasaksakin na nito ang dalaga ng may dumating na isang bago at magarang sasakyan. Bumaba dito ang isang napakagwapong lalaki at ngayon pa lamang nakasilay si Marj ng ganoon kagwapong nilalang. Kaya naman napatulala siya sa bagong dating. Alon-alon ang buhok na bahagyang mahaba at napakatangos ng ilong. Mamula-mula din ang mga labi nito kna tila kay sarap hagkan. Matiim tumingin ang mga kulay tsokolate nitong mata na tila hinuhukay ang buong pagkatao mo.         Hindi na niya namalayan na tuluyan nang naagaw sa kanya ng snatcher ang bag.          Pero bago pa man makatakbo palayo ang snatcher ay binaril na ito sa paa ng bagong dating na lalaki. Agad nilapitan ito ng matikas na lalaki at hinablot mula dito ang bag.          " Tarant*do ka! Pipili ka ng tataluhin, huh?" Takot na takot naman itong tumango at nagmakaawa na 'wag siyang patayin.          "Sige, pero tatandaan ko yang pagmumukha mo!" Mabilis na kumaripas ng takbo ang snatcher matapos marinig ang sinabi ng lalaki . Kung todo niya itong nginitian, pero bigla ring nawala ang kanyang ngiti dito dahil sa sinabi nito sa kanya.          " Sa susuno, kasi 'wag kang tatanga-tanga!" Tila inis na turani ng lalaki kay Marj.          " Grabe ka naman! Tanga agad?! Salamat na nga lang! Diyan ka na! " padabog niyang sabi at humakbang palayo mula rito. Ano ngayon kung gwapo ito kung ang askad naman ng pag-uugali.          " Hep! Hep! Saan ka pupunta?!" pigil ng lalaki sa kanya.         " Hahanapin ko yung kaibigan ko! Bakit ba?" sagot niya         " 'Di siya makakapunta!" sagot nito.         " Huh? Paano mo nalaman?!" takang tanong ni Marj.         " Dahil ako ang susundo sa'yo ngayon!" naiinis na sagot nito.         "Ah! Driver ka doon?" Wala sa sariling tanong ni Marj.         "Sh*t! Mukha ba akong driver?!" naiinis na wika nito sa babaeng kaharap.         "Eh, sino ka?" tanong ng makulit na dalaga at siyang nagpapainit ng ulo ng kaharap.         "Oh well! Ako lang naman ang Boss mo! And I never expected you to be this beautiful but...stupid! So now that you know that I am your boss, you should always follow everything that I told you to do. Everything! Do you understand?." Mahina pero maawtoridad nitong sambit at tumalikod na ito para tumungong sasakyan, naiwan naman nitong nakatulala ang dalaga.        "Hey, Stupid! Why are you still standing there? Bilisan mo at sumakay ka na. Stupid talaga!" may angas nitong sabi kay Marj.        "Makastupid naman to! Pangit!" Sa sarili lang nito balak sabihin ni Marj pero napalakas.         Inilapit ng lalaki ang mukha sa kanya at sinabing..." Talaga?! " At binigyan nito ng mabilis na halik sa labi na lalong nagpatulala kay Marj.        Malaki ang ngising nagsalita ulit ang lalaki. "Sasakay ka ba o bubuhatin pa kita?"       "Eto na nga!" sagot niya at nagmamadaling sumakay.       "Jusme! Mukhang araw araw na peligro to!" nasabi na lang ni Marj sa sarili. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------A/n : Salamat sa mga nagkainterest magbasa! Pakifollow na rin po kung hindi naman po nakakaabuso! Hahaha! Charot lang! Wag kayong magulat...sadyang inuumpisahan ko na ang mga i-eedit...so yun! Love you guys! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

He's Cold Hearted

read
160.5K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.6K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook