“Okay ka lang?” bungad na tanong ni Kourtney nang makita si Kim. Kasalukuyan itong nakaupo sa wooden bench sa labas ng bahay nila at nakasuot ng track pants at oversized hoodie. Kakauwi lamang ni Kourtney at papasok na sana siya ng gate nang makita ito. Mabilis na humakbang ang dalagang doktora papasok sa bakuran nila at nilapitan ang pinsan. Mabilis na lumipas pa ang mga araw at kabuwanan na nga ni Kim. Kakatapos lang ng last monthly check up nito kahapon at ayon sa OB ay anytime soon manganganak na ang pinsan niya. Nakahanda naman na sila kung sakali na mangyari iyon mabuti na lamang din ay nakauwi na siya dahil wala pa naman ang auntie nila. Lumuwas ng Metro para mag-angkat ng paninda nito. “Parang nararamdaman ko yung paghigpit ng tiyan ko kaya masakit,” sagot naman ni Kim. M

