“Are you kidding me?!” Avery just came home form her 36-hour shift at pagpasok na pagpasok pa lamang niya ng bahay nila ay agad na bumungad sa kanya sina Rick at Kenneth na masayang nag-iinuman kasama ang magaling niyang asawa. Napansin din niya ang malalaking maleta at box na nakakalat kaya agad na sinenyasan niya ito na sumunod sa kanya sa kuwarto nila. Agad naman na sinabi nito sa kanya ang plano ng dalawa na mananatili muna doon sa bahay nila habang hindi pa nakakahanap ng matutuluyan. Pakiramdam ni Avery ay umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya. She’s really exhausted dahil sa shift niya at ang inaasam-asam na pahinga pag-uwi niya ng bahay ay biglang naglaho dahil sa dalawang iyon. “Hindi tahanan ng mga sawi sa pag-ibig ang bahay natin, Red Sanchez,” inis na wika p

