“Wala kang balak na tumulong?” inis na wika ni Kourtney kay Kim na prenteng nakaupo sa mahaba nilang couch habang kumakain ng strawberries para sana sa kanya. Ilang araw na ang nakalipas simula ng makarating sila sa Legazpi City at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tapos sa pag-aayos ng mga gamit nila. Nailagay naman na nila ang iba nilang appliances at furniture sa dapat na kalalagyan ngunit marami pa rin silang nakakalat na gamit na hindi niya alam kung saan ilalagay. “I’m pregnant!” mabilis na sagot naman sa kanya ng magaling na pinsan “Yeah, you’re pregnant but you can walk,” inis na wika pa ni Kourtney at sinamaan ito ng tingin. Malakas naman na tumawa si Kim dahil talagang natutuwa ito kapag sinusungitan siya ni Kourtney. Naupo si Kourtney sa sahig para sandali

