Kabanata 47 Halos araw-araw pa rin ang pagbisita ko doon sa lugar kung saan ko siguradong nakita si Simon; nagbabaka-sakaling makita syang muli, kahit alam ko sa sarili ko na hindi kami okay ni hindi ko din alam kung paano sya haharapin at kakausapin. Bigla ko din naisip ‘yong ekspresyon ng kanyang mukha nang makita ko nang makita ko sya ulit. Napasighap ako ng malalim nang maisip ko ‘yon. Hindi iyon kumawala sa aking isip. “Miss Lorraine, is there something bothering you?” Doon lamang yata ako bumalik sa ulirat nang sabihin iyon ng aming culinary professor. Halos mapalundag ako noong hinarapan ko sya. “I’m sorry sir.” At nagpatuloy na ako sa aming ginagawang cooking skill activity ngayon. Tumango lang sya at halatang mabilis nalang ipinagkibit-balikat ang pagka space-out ko. Uminit a

