Kabanata 46 Katakot-takot ang nagyari sa akin financially, at pati na rin mentally ma-sustain ko lang pag-aaral sa culinary school. Madalas nga ay hindi na ako nagkakaroon ng free time. Pinagsasabay ko kasi ang pagtatrabaho at pag-aaral. Naging dish washer ako, kitchen assistant sa isang restaurant dito sa Florence. Mabuti nalang kahit na ganitong uri ng trabaho dito ay maganda pa rin ang pasweldo nila, kaya naman kahit papaano nakakatawid ako. Gusto ko naman ang ganito dahil wala na yatang mas sasarap pa kapag alam mo sa sarili mo na kaya mo namang matupad ang pangarap mo gamit ang iyong mga sariling paa. Isang karanasan iyon na sa tingin ko ang pinaka-proud moment ng buhay ko na habangbuhay ko ng dadalhin. “Piu veloce Lorraine!” Anang may pagka-masungit na Italian chef dito sa tina

