Kabanata 19 Sabik akong pumasok sa sumunod na araw, sa kadahilanang si Simon ang magiging mentor namin. Batid ko ngang ako ang pinaka-maaga ngayon. “‘Yung guwapomg chef daw mentor natin ngayon?” Narinig kong bulong-bulong ni Krisha, isa sa mga kaklase ko. “Oo! Alam mo bang isa iyon sa dahilan kung bakit ako nag-enrol dito? Nabalitaan ko kasing isa sya sa mga nagtuturo?” hagikgik naman ni Sherly. Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon nalang sila kaexcite kay Simon. Sikat naman kasi syang chef idagdag mo pa na sobrang guwapo nya rin, kaya naman madami talaga ang nagkakandarapa. Napangiti ako dahil iba talaga ang karisma nya sa mga babae kaya naman madami ding nahumaling sakanya na sa tingin ko ay may sinasabi din sa buhay. Kaya isa paring minimithing hindi ko sukat akalain na umamin

