Kabanata 20 Hindi mawala ang kaba ko dahil isa na lang ang tatawagin sa mga napiling nanalo. Nakayuko lang ako at nagdadasal na sana pangalan ko ang tatawagin. “Congratulations you are also one of the winners, Miss Lorraine Casimsiman!” Hindi yata agad naprocess ng utak ko iyong aking narinig. Nakumpirma ko lang na ako nga, na isa ako sa mga napili ay noong inalog-alog ako ni Sherly. “Oh my gosh! Lorraine Congratulations!” wika ni Sherly. Ang naging ekspresyon ko lang ay tila isa akong beauty queen na nanalo sa contest. Tulala at napaawang ang bibig, Sobrang saya ko. Hinanap agad ng mga mata ko si Simon, tumango lang sya at pumalakpak. Natapos ang aming klase, at sa labis na kasiyahan para akong isang bata ngayon na kulang nalang ay mag-lulundag sa saya. Lumabas ako ng training cent

