Kabanata 21 Alas onse y media na ng gabi noong ihatid ako ni Simon sa aking dorm. Pagpasok ko sa loob ay sobrang dilim na marahil natutulog na si Anne. Sinindihan ko ‘yung switch pagkatapos ay nagtanggal ako ng sapatos ko. Nag-unat ako at pumasok na sa loob ng kwarto namin ni Anne. Pagbukas ko ng pinto isang nakakawindang na eksena ang tumambad sa akin. Napamura ako ng malulutong sa isip ko nang makita ko si Slater na ngayon ay nakapaibabaw kay Anne. Mabilis pa sa tama ng kidlat ay para silang napasong dalawa. Kumalas si Anne sa pagkakayakap nya sa kay Slataer at mabilis nya itong tinulak kaya humalandusay si Slater sa sahig. Nalaglag ang panga ko, last time I check sobrang broken hearted ng babaeng ito at hindi malaman ang gagawin namg nalamang hinalikan nya si Slater noong isang gab

