Kabanata 22 Hindi ko na mawari kung sino ang babalingan ko si Simon ba o si Raven. Napansin din yata ni Raven kalaunan kung saan ako nakadungaw kaya naman napalingon din sya sa sakanyang likuran. Nakita kong nagpalipat-lipat ang tingin nya sa aming dalawa ni Simon... “Oh He’s Simon Fontanilla right? Do you know each other?” Naiilang akong sabihin sakanya ang totoong estado naming dalawa ni Simon pero sinagot ko pa rin iyong tanong nya na kung kilala ko ba sya. “Uh oo, Nagtatrabaho ako sa restaurant nya,” kaswal kong nasambit. Tumango-tango lang naman si Raven doon, at sa wakas ay nakalapit na si Simon sa amin. Ako ang agad nyang dinaluhan at binigyan nua agad ako ng kyuryosong titig, Ngumuguso din sya na tila ba pinababatid nya na kung bakit ko kilala si Raven.. Nagkatinginan lang

