Kabanata 27 Napasimsim ako kaagad ng tubig nang makita ko si Ma’am Sofia na papalapit sa amin. Binalingan ko naman si Simon subalit wala kang ni isang pressure na mababakas sa mukha nya. Bagkus, ay nakangiti lang ito. Sabagay ako lang naman talaga dapat ang maalog ang sistema dahil pakiramdam ko ay wala pa ako sa ayos at kahit hindi sabihin mapaghahalataan nya sigurado na dito ako natulog. Nakakahiya. Bumaling ang tingin sa akin Ma’am Sofia at hindi ko mabasa kung ano ang naging ekspreyon nya nang magtagpo ang aming mga mata. Nanatili syang impassive. “Ma,” pambungad na sinabi ni Simon nang magkalapit na sila. Tumango si Ma’am Sofia sabay beso sa kay Simon. “Why are you here?” dagdag pa ni Simon. Suminghap muna si Ma’am Sofia tapos ay bigla syang bumaling sa akin, dahil doon ay para b

