Kabanata 28 “Grabe, ang ganda mo talaga Lorraine...” Ang nagliliwanag na mukha ni Anne ang natatanaw ko sa salamin pagkatigil nya saglit sa pag-aayos ng buhok ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti kahit madalas ay marinig ko naman sakanya ang mga ganong klasing pagpuri. “Talaga ba?’ nahihiya kong naisagot sabay ayos sa takas kong bangs. “Oo naman! Magsisinungaling ba ako? E kitang-kita mo naman,” aniya at tsaka nya hinawakan ang aking balikat, pareho ding kaming nanatiling nakaharap sa salamin. “Panigurado ay malalaglag ang panga ni Simon pagkakita nya sa ‘yo mamaya.” Humahagikgik na dagdag niya. Suminghap ako at alam ko sa sarili ko na paniguradong mayayaman ang mga dadalo doon sa party ng papa ni Simon. Hindi ko maiwasan ang huwag isipin na malalait ako mamaya dahil wala naman akong

