Kabanata 29 Narinig kong magsalita ang isang babae. “Oh my god! Who’s that girl?” Kahit hindi sila magbigay ng ekspalanasyon, alam na alam ko sa sarili ko na hinuhusgahan na nila ako. Batid na batid iyon sa mga mukha nila. “Sino naman kayang nag-invite sakanya?” anang isa. Tinignan ko naman ‘yung babae na kasama ni Simon kanina, ganun din sya sa akin. Matama nya akong tinititigan mula ulo hanggang paa. Kalunan ay nag-smirk sya. “I’m sure sabit lang ‘yan nang kung sino. I mean look at her, she looks so cheap! And the dress my god. An imitation my favorite luxury brand burberry! Shame.” “Right! It looks like a thrifted dress!” Sumang ayon pa iyong isa. Tumawa silang lahat doon sa sinabi nang babaeng kasama ni Simon kanina, at ang mga sinabi nya ay syang labis nakapag-paepekto sa akin. K

