Kabanata 30 Kinaumagahan, araw ng linggo ay dito pa rin ako sa bahay nila Simon nanatili. Pinigil nya kasi ako kaninang mag-mpapaalam na sana akong umuwi. Aniya’y pumarito na muna ako dahil weekend naman. Sa huli ay kanya nya akong napapayag. Papalabas ako ng bahay upang magtungo doon sa pool area dahil naroon kasi si Simon na abala sa pagsi-swimming. Dala-dala ko rin ang inihanda kong breakfast para sakanya. Tanaw na tanaw ko na mula dito sa salaminv pintuan si Simon. Lumalangoy pa rin sya ng napakabilis, at masasabi kong nakakabilib talaga ang skill nya sa paglangoy. Eto kasi ang naging sport nya nang nasa high school pa sya. Tuluyan na akong lumabas. Maya-maya pa ay umahon na si Simon. Kitang-kita ko ang kabuuan ng kanyang katawan eksaktong pag-ahon nya. Ang kanyang mukha ay kanyang

