Kabanata 31 Sabay kaming pumasok ni Raven sa shelter. Ang sumalubong sa amin ay walang iba kungdi ang director ng shelter na ito. Si Mister Buenaventura—kasama ang iilang social workers pati na din ang iilang nurses. Ngiting malapad agad ang sinalubong sa amin nang director. Ngumiti si Raven pabalik at nang makalapit na kami ay hinawakan nya ang kamay nang director at yinuko nya ang kanyang ulo. Tinapik naman sya sa likod ni Mister Buenaventura. “Oh my god. Tignan mo kung sinong nandito?” manghang sinabi noong isang nurse habang humagikgik sa tenga numg kasama nya. Kahit na pabulong nya lang iyon sinabi sa kanyang katabi ay rinig na rinig ko pa rin. “Oo nga! Ang gwapo-gwapo nya ano? Alam mo ba sa tuwing nandito sya ginaganahan akong magtrabaho,” kilig na kilig na sabi naman nang isa. M

