Kabanata 60 “Pinal na ba ang desisyon mo Lorraine?” tanong sa akin ni Anne sa kabilang linya. “Oo, sa katunayan tinawagan kita ngayon upang makapagpaalam.” Nakapagdesisiyon na ako na lumayo nalang for my peace of mind na rin. Nakapag-isip-isip kasi ako sa mga sinabi ni Ondrei. Inaamin ko naman na umasa ako kasi nandoon na kami sa peak ni Simon na kahit papaano ay maayos na. And I understand Ondrei sa kabila ng mga ininvest nyang feelings dito lalo na nang mga oras na iniwan ko si Simon ay ayaw nyang mabuwag ng dahil lang sa akin. Muli ay nanikip na naman ang aking dibdib dahil sa naisip kaya sandali ay hindi ako nakasagot dito kay Anne. “Hello Lorraine? Nandiyan ka pa?” Napakaurap-kurap ako at maagap na sumagot. “Ah oo, sorry… ‘yun nga naisip kong magpakalayo-layo.” “Eh saan ka

