Kabanata 59 Sa huling pagkakataon ay muli kong linungan sina Simon at Ondrei, nakita kong aambang tumakbo si Simon ngunit tinawag sya ni Ondrei at hinigit nya ‘to sa kamay. Nag-usap silang muli at wala na akong ideya kung ano man yon. Patakbo akong lumabas ng hotel, hindi ko na nga alam kung paano ko nagawa sa kabila sa taas ng mga suot kong heels. Paglabas ko ay sinalubong ako ng malakas na ihip ng hangin. Hinagkan ko ang aking sarili at at bigat ng damdamin kanina ay ngayon ko lang naibuhos. Umagos ang luha sa aking mga mata, humahagulgol ako habang hawak-hawak ko ang aking dibdib. Muli kong inalala ang mga sinabi sa akin ni Ondrei dahilan upang manikip ang aking dibdib. Sa lahat ng naging sakripisyo ko sa tingin ko ay ang sarili ko lang talaga ang makakaunawa. At sa mga sinabi nya

