Kabanata 58 “I got this, Uhm.. You know years ago.” Nalusaw ang mga ngiti ko sa naging paliwanag ni Simon. Napaiwas din ako ng tingin. Ano bang nasa isip mo Lorraine? Masyado yatang nasiyahan ang puso ko nang makita ko ang tattoo nyang ‘yon. Malamang ay napatatoo nya ‘yon baka noong nasa America sya. Napatayo ako at tsaka ako nagmamadaling magpaalam na sakanya. Nagulat sya sa biglang naging aksyon ko bigla, bakas kasi iyon sakanyang ekspresyon. “Aalis na ako, mahirap na’t baka wala na akong masakyan.” Kahit na alam ko sa sarili ko na bente-kwatro oras naman ang transportasyon dito. Tumayo na din si Simon, walang kumawalang salita sakanyamg bibig. Kumaway ako sakanya at tumalikod na, subalit nakakailang hakbang palang ako ay bigla nya nalang hinigit ang aking kamay. I freeze because o

