Kabanata 57 Lumabas si Simon upang mag-break muna daw, naiwan kami ni Arvic na nagtitinginan. “He’s definitely not in the mood,” wika ni Arvic sabay taas nya ng kanyang balikat. Suminghap ako at inayos ang mga utensils, iniisip pa din ang mga nagiging kilos ni Simon. Dinaluhan naman ako bigla ni Arvic. Sumandal sya doon sa may bandang sink at tsaka sya biglang nagtanong na syang nakapagpawindang sa akin. “Uh Lorraine, is it true that you and Simon had a relationship before? I mean, romantic relationship?” Halos mahulog ko ang mga utensils, para akong napaso doon sakanyang tinanong. Saan nya naman kaya iyon narinig? “Saan mo naman ‘yan narinig?” tatawa-tawa ako na pilit, pero hindi makatingin ng diretso sakanya. Kung magaling lang syang mag-psycho ay mahahalata nya ako. “Masyado lang

