Kabanata 56 Ilang sandali lang ang hinintay kong lumipas ay dumating na nga sina Simon at Arvic. Masaya silang iginiya ni sir Mikael sa kitchen area at itinuro ako. I suddenly got feel conscious, kaya naman napaayos ako ng aking sarili. Pakiramdam ko kasi ay masyado na akong haggard. Ngingiti-ngiting kumaway sa akin si Arvic. “Hi,” pambungad nyang sinabi. Tumango lamang ako at ngumiti din. “Hello,” simple kong tugon. Sunod naman akong bumaling sa kay Simon. Hindi ko alam kung sadya nya bang hindi talaga bumaling sa akin, magsimula kasi nang pagpasok nya ay abala na sya sa pakikipag-usap kay sir Mikael. Napakaseryoso nya, parang gusto nya talagang ma-impress ng todo si sir Mikael. Sa pagkatulala ko sakanya ay sa wakas ay nagawa nya na akong balingan. Halos mapalundag pa nga ako na

