Kabanata 55 Sunod akong dinaluhan nang mga staffs at nagtawag kaagad sila ng medic. Na-cut ang show at dinala muna ako sa clinic ng tv station. Hindi ako iniwan ni Simon, taliwas iyon sa magiging akala ko. Ang mukha nyang nag-alala ay muling pinaalala sa akin ng gunita; ganitong-ganito sya noon sa akin sa tuwing may nangyayaring unpleasant things. Inalapan ako ng paunang lunas noong doctor, sinuri nya ang parting balat na napaso mabuti at first degree burn lang daw. Sa dating na ‘yon akala ko ay mataas na degree of burn na ang aking sinapit. Nakahinga ako ng maluwag ganun na din ang mga staffs na iba. “This will take a few days, bago tuluyang gumaling,” sabi sa ‘kin ng doctor. Tumango nalang ako doon sa sinabi nya. Dina dampihan nya ‘yon ng gamot, Napapikit ako sa hapding nararamda

