Kabanata 54 Ilang araw ang lumipas bago ako nakabalik ng trabaho. Ganun nalang ang tuwa ni sir Mikael, nasabi nya din sa akin na kung gaano sya nag-alala sa akin. Mabuti na nga lang at nakaya ko dahil hindi biro sa aking mentalidad ang dinaanan ko, at masasabi ko ding hindi pa nakaka move on at hindi ko pa din alam kung paano harapin si Simon kung sakaling magkita kami ulit. Abala ako sa paghahanda ng isang dish nang bigla akong lapitan ni sir Mikael. Tumigil ako sa pagkilos at mabilis ko syang binalingan. Sinilip nya iyong ginagawa ko tsaka sya nakangiting tumango-tango. Isa lang ang ibig sabihin noon, aprubado nya at wala na syang maico-comment pa. “Very good,” aniya. “Thanks sir,” maagap kong sagot. Tumikhim si sir Mikael at minalagi nya ang kanyang dalawang kamay sakanyang likuran

